Monday, March 9, 2009

Welcome to Christian World Baby Yona

March 8, 2008 ay bininyagan si Johanna Maria V. Carballo- baby girl nina Crisy at Norman. Naunang dumating maliban sa iba pang mga ninong at ninang sina Ninong (MAC) with PJ, Ninang (Jean with Kelly and Gian), Ninang Ymelle (with friend Angie) at humabol si Ninang Jeannie (with Dong , Jem and Jas) sa simbahan ng Barasoain Malolos na noon ay di pa nagsimula ang proper ceremony ng binyag. Naroon din ang ating klasmeyt na si Clea with some friends.


Napakacute ni little Yona – pinaka cute sa 15 batang bininyagan that day… at sa dami ng tao sa binyag –opo pinakauna sa lahat si Yona sa harapan ng upuan at unang nabasbasan ng tubig at nailawan ng candle.

At una ring nakabasag ng baso ang Ninong Mac… (pare ikaw nga ba yun?)…bawal pa naman magsindi ng candle na walang baso…so amusing.. After pausing for some pictures.. tumulak ang lahat sa tahanan nina Norman sa Anilao na noon ay marami nang naunang nakapwesto sa mga tables.

May lechon, lengua, broccoli with corn ..different meats di ko talaga na alam tawag sa mga luto…pasensya na at di ako laman ng kusina …kanin na nakabalot sa dahon…

Masarap ang kwentuhan kahit bitin ika nga ni Pareng Mac at sa kainitan ng araw kahit pinagpapawisan ang lahat --ay mga beauty pa rin ang magkukumare as you can see sa mga photos…(icomplement daw ang mga sarili..!!) Nakakaaliw ang mga kwento at issues ni PJ na noon ay things about pc, internet, downloads ang mga topics. (PJ paano nga ba magvideo na silhouttes ang output? hehehe). Other topics ay di ko na po alam dahil lumilipat po ako ng ibang table to talk with other friends sa side ni Norman. At ang nakakalungkot ay nung iwan na nila ako lahat…!!!

Bitin ang kwentuhan Mac! At di pa ako pinasama sa medyo mahaba-habang lakad sa kainitan ng araw (mga 3pm ) at bawal mabilad ng araw ang printeta ! Hahaha! Ayaw pahatid at mainit… 5:30 na ay marami pa ring tao…si Norman at mga kasamahang opisyales ng barangay Anilao ang naiwang nasa table for some wine and pulutan.
Namiss namin ang presensya ni Belle (na nagsabing makakarating…hmmm) si SAPE bat wala.. si Clea wala na sa reception.. at Emma wala rin…Sa next na pagkikita sana’y marami na tayong magkitakita –mas maraming memories together mas masaya.



by : Printeta
~~~~~~~~~~~

No comments:

Post a Comment