Monday, March 23, 2009

Birthday ni Santa


by PJ productions
~~~~~~~~~~~~~
Birthday ni Santa
sa yo aking katoto
ang iyong buti'y di naglalaho
nawa'y pagpalain ka pang lalo
ang kabuhayan ay lalong lumago

kalusuga'y ingatan
ito'y yamang dapat alagaan
sa pamilya at sa kaibigan
lalo sa sarili'y dapat ilaan

dekada na ang ating pinagsamahan
mula grade one hanggang sa mataas na paaralan
hindi ko sukat akalaing maging sa pamantasan
iisa ang ating napuntahan bagamat di nagkatuntunan

samakatwid halos labing limang taon
ang ating ginugol na panahon
sadya nga bang nagkataon
o tunay na may layon

bilang isang dick contreras
iyon lang ang aking watas
sa labing limang taong lumipas
hindi nakilala ng wagas

sa di maisip na dahilan , muling nagtugma ang landas
magic wand ba ang dahilan na kusang kumumpas
upang lalim ng isang dick contreras ay mawatas
may mababang kalooban , may pusong wagas

talento sa pagtanda ng mga nakaraang kaganapan
di matatawaran at may laging handang larawan
sa mga magtatanong at magrurunung- runungan
di makakaligtas sa kanyang pinanghahawakan

iba't ibang pangalan sa kanya'y itinawag
fafa dick, big dick, santa, mina ng lapad,
data base king, financer,major sponsor,
kolumnista, the rock, at kung anu-anong bansag

maging ano pa man, ang lahat ng ito'y iyong mga kalasag
sa unos ng panahon ika'y di na matitinag
sarili'y pinanday at pinatatag,
sa mga pagsubok may laang pang salag.
by Mama Belle

No comments:

Post a Comment