Wednesday, March 18, 2009

Nagbabalik.......... Linggo ng Wika ngayong Marso '09

sa kaiisip sa two piece ako'y napuyat
kaya mata ko'y nanatiling nakadilat
kung iyong minimithi'y iyo nang isukat
wag lng sana ang lahat sa iyoy bumakat

pangarap ng lahat c dingdong dantes
lalo na't nka trunks walang makakapares
baterya ng handycam aking i-fu-full bar
nang masagap ng lente sa alin mang lugar

ang iyong kakambal ay huwag malumbay
daratal din ang araw ng kanyang tagumpay
ang ating kalbong katoto ay walang humpay
sa kaiisip kung saan tayo lahat ilalagay

sa yo gng sen,
dalangin ko ang katahimikan sa inyong lilipatan
makabuti nawa ang paligid sa inyong paninirahan
sana'y mapalapit kayo sa lahat ng may katuturan
nang ang inyong pamumuhay ay tuwirang kalugdan.

posted by Mama Belle 3/18/09




At muling humataw apo ni Balagtas
Kahit bolang kristal ay di maaliwalas
Mabulaklak na salita di pa rin kumukupas
Paano pa kaya kung kasabay ang kumpas



Matutpad ang iyong kahilingan
Aking nag iisang mahal na kamahalan
Sa mga susunod na araw ay matutunghayan
Mga bagong tulang iyong kinagigiliwan.



reply to Mama Belle n Printeta 3/18/09





ako'y naupo lamang upang sandaling maglibang
aking mga gawaing-bahay ay hindi mabilang
sa nalalapit na derby oras na lang ang binibilang
kaya itinodo na'ng pagbigkas upang kayo ay malibang


reply by Mama Belle 3/18/09

No comments:

Post a Comment