Monday, April 27, 2009

TAYO NA SA MIMOSA AT DOON FONTANA TAYO



APR 25 3 am, nagising ako sobrang lakas ng ulan , joshme,mapurnada pa ata ang swimming, di n ko nkatulog super abang sa kalangitan kung may pag asa sumilay ang haring araw, 6am anong himala, pati buwan sumikat sa harapan ng aming pintuan, kuakatok ang kalburo at hahakutin na raw ang aming baon, para sa kaalaman ng lahat lubos na pinag pala ang outing na itits, sumama in spirit c mama pinks, mega padala sya sa amin ng budget P4K, napagkasunduan namin ni indiano jones na sa drinks at chichirya sya mapunta, considering na may mga jonakis na kasama, dalawa na 2-door ang ref na gamit namin, ung door tig 10 cubic sila tipong kasinglaki ko at mas malapad pa kay lizle hahahaha, napuno po namin ng stocks mga un, lahat po klase ata softdrinks dala namin, aside sa red wine ni el pres, pati fresh milk, chocolates, tea at coffee di nalimutan. syempre ang gatorade na may katerno na diatabs present din sa hapag,

napagkasunduan mag convoy pero mauuna raw si barbie sa mimosa to do the checking, aba e nauna po c pj dala ang batmobile kc 11 am p lng bumyahe na sila para di maiwan sa convoy, 1pm, sinundo na po ako ni boyet ang ever reliable driver ng el pres, sakto sa usapan nagkasunud sunod kmi ng dating, nauna pj, sunud barbie, then kmi ng el pres, (nasubok ang bilis ng batmobile panis sa racing ang honda civic ni barbie at rav-4 ng el pres hahaha) sa mga nagbabalak bumili ng carlalu ask nyo san bumili si papa pj waaahhhhhhhh. . .

pagdating villas around 2:30 , mega unpack at ayos ng mga gamit, pero syempre nauna ihanda mga food, present ang lengua, lumpya sariwa, kilawin tanguige, kilawin dilis, pancit malabon, rice, bagoong at indian mango, (may indian pla kami kasama hahaha, mangga nga lng hahaha)
naglalangis na itlog ni pj,

sobrang pinaghandaan ko ang event na ito hewebes p lng fasting na ako, ito ay dahil sa aking panata na ikakain ko lahat ng di mka attend, pagka amoy ko sa food, anu bang ayus- ayos ng mga dala, may oras para dun , di ko na napalagpas umupo na ko sa table at isa isang tinikman ang mga grasyang nka latag sa aking harapan, hay sarap kabusog, nabusog kming lahat. . .

OPPPPSSSSSS TEKA KULANG P TYO !!!!! di ko alam kanino dialogue yan e, syang tama kulang p nga pala kmi, nasaan si sape at 2 kids, nasaan si mama ie and family at higit sa lahat nasaan ang LIEMPOOOOOOOOOOOOOO OO ?????

hi tech ang grupo puro ipot dala , mega tawag si barbie kay sape , nag ring , pinasa sa akin, inantay kong may magsalita, aba nawala ang ring, pero walang nagsalita kaya pala namatay ang battery ni sape waahhhhhhhhhhhhhhhh hh !!!

syempre mas hi tech ako aba nka unli ang smart at globe ko anuvah grrrr !!!! mega txt ako kay mama lag, "eow where n u?" reply: dito sm ina antay "namin" mama ie, gusto na nga namin mag commute kaso wala diretso mimosa hanggang main gate clark lng". after ko basa, sinabi ko sa el pres, e di syempre ang sabi ng el pres: "go commute at ipasundo n lng sa main gate". mama aids: may dala ko pakwan" (GRRRRRR hagalpak kmi ng tawa imagine si mama aids mag commute may bitbit na dalawang malalaking pakwan hahaahah.) mama lag ulit: "k po eto nkasakay na "kmi", (so kinarir ang pakwan, naisip namin bka ginawang libangan n lng kunwari nag bowling sya from sm to clark , pinagulong na lng ang pakwan hahaha, after 30 minutes . . . mama lag: "dito n "kmi lapit na sa maingate" HUH! ano un si darna ang bilis nkarating , bumyahe si pj at boyet sunduin sila sa maingate pero pinabili na rin ng extra battery para sa magic sing, true enough nandun na nga si mama lag , ang inaakala naming kasama na si sape . . . walaaaaaaa, ang mga jonakis pala ang kasama, at sm pampanga lng sila galing na inakala naming sm north edsa, dumaan muna sa sm clark sina pj para sa battery , kala nila namamalik mata lng sila nasalubong nila sa sm clark si mama ie at sape, pero totoo di sila dinaya ng paningin nila si mama ie nga ang masasalubong nila at ang reason kaya nandun sa sm clark e naghahanap ng liempooooo hahahaha . . . di sila nkakita ng liempo sa sm i mean ung cooked liempo kaya mega bwelta sa balibago sa may friendship road , dun luckily e nkatagpo na rin sa wakas haahahah.

nasa pool na mga bata nang dumating sila mama ie, so kumain muna sila sa villa bago sumunod sa amin, si sape di na nkasunod, kamontik nang himatayin, kc 9:30am p lng na kay mac na sya kasama mga kids aangkas kc sila kay ms ie, tapos nag abang sila sa chocking daw (di ko lam ano branch) para kay mama ie, ewan ano oras sila nagkita di ko matandaan e, kc galing p raw ob gyne mama ie, dumating sila sa mimosa around 5pm na ata. may nagsabi nga kay sape sana raw nanuod muna ng sine hahaahah, kasalanan ni mama pinks yan di binigyan ng budget para sa sine hahahahaha. nagkaron ng contest sa pool , para sa mga kids ang prize e galing kay fafa mac, unahan kumuha ng coins, patagalan sa ilalim ng tubig, si pia ang winner sa unang naka kuha coins pti sa patagalan ng pagsisid kung saan dalawa sila naging winner ng pinsan nyang si krisha, c austine nanalo din sa pagkuha ng coins, si nicolle nabigyan ng prize kc unang lumutang sa contest ng patagalan sumisid ahahahaa.

patapos na swimming time una una na sa pagbalik sa villa, pinili ng el pres na mag bike (may 2 bike dala fafa jojo). ganun din ginawa pj nag bike na rin.6pm umahon na mga bata sa pool kc closing time na, naligo na at nagsipagbihis pamya mya pumapasok el pres at pj duguan ang el pres, na alangan pla sa paghinto ng bike kc nauna pj sa kanya at huminto kasunod sya kaya bigla break, pinang tukod tuhod pag buwal, kc khit ako di ko abot ung bike mataas e, tawag ang barbie sa 911, dumating ang wang wang may dala betadine at band aid, kaso laki ng sugat so tawag ulit sa 911 para sa gauze, dumating ulit dala gauze, tawag ulit barbie kc wala tape,dumating ang tape, pumasok na ung isa aide nila, ginawa na ang sana ay matagal n nilang ginawa, na i check ung sugat, tapos may dala n rin mefenamic.

so nag dinner na kmi, nag steam si fafa jojo ng panga ng tuna, saka ung mga iba pa food na nka hain na dati ang aming nilantakan, di po namin magawang ubusing lahat ang food kc sobra sobra sya para sa mga dumating , good thing may ref at centralized ang aircon kya khit ang lengua na may cream e di bumigay,

humiwalay sa amin mga kids , nandun sila sa kabilang villa dun sila nag bonding , nanuod ng horror kc may cable naman, at nagtakutan, saka wlang puknat na wentuhan din,

naiwan kmi sa isa p villa, eeeee actually di n pla kmi umalis sa table hahaahha, grabe sinundan kmi ng hot seat, minalas naupo si pj at lizle, pano ba naman sinimulang kainin ang dates, so nagkatuksuhan kung tatalab sa mga kumakain na mag partners, bigla hirit si pj "AKO AT ANG GABI" irereserba raw nya isa maids room at dun sila pupwesto. bigla hirit si simang "nku wala namang sinabi yan"
aba e niratrat na sila ng bazooka, tinanong namin kung totoo na humihirit p si pj bago pumasok kaya nale late , kc un ang sabi sa amin, "nku hindeeee" yan ang malutong na sagot ni simang , alaskado si pj, so tinanong namin gano na katagal , sabi pj mga 2 weeks, hirit ulit si simang, "anong 2 weeks??? isang buwan na nga!!!"

nauwi sa pagwento kung pano sila naging sila (pwento nyo kay pj) pero ang naging hi light e wala na raw ibuga si pj sa mga panahon na to hahahaaha, pano pa pag nag 40 na sya waaahhhhhhhhh

eto naman po ang version ni Fafa PJ



yun po bang nilaglag ako o yung laff story namin...hihihihih, ang habilin ko po kasi sa kanya weh, pag me sinabi mga klasmeyts ko tungkol sa kin... wak ka maniniwala (dahil alam po nya matino ako).. ayun, josme kinontra nga po nya.. kaya sabi ko sa kanya: wula na nyang maniniwala sa kin... iisipin ng mga klasmeyts ko na lahat ng wento ko weh nababasa ko lungs... tas yun nga wento ko laff story namin, di nakapag ungkat ng mga katanungan ang mga jury kasi sumang ayun naman sya... yung "ako at ang gabi" di po sya gabi nangyari (kasi mag uumaga na po nahinto ang confe di ba? ) bago po ako tumayo sa higaan may isang nakatayo (varicose veins ata).. ayun... sa maniwala kayo't hindi may namagitan po sa min nun (QUIKIE).. wulang mumog mumog dahil gising po ang el presidente kikiramdam ng kaluskos... ewan ko kung paniniwalaan nyo pa ito.. ito kasing si simang akalimutan kung abisuhan na wak kokontrahin lahat... kinontra po nya lahat... pero kung nadinig po ng mga mapanuri ang kanyang tinuran noong akasalangs po kami at wentu ku nga laff story namin mula sa pagkakakilanlan namin sa isa't isa gang umabot sa kasalan ang kanyang tinuran ay ganito : "TUTOO LAHAT NG SINASABI NYA" (na ewan at parang naluluha pa...)sana ay nabigyan ko ng buhay at justification ang pagkakalaglag ko... sa mga susunod na sasabak sa hot seat... communication po kaylangan saka eye movement.... para po di kayo matrap.. dahil wula pong makakligtas sa mga panelist, sure ako sirang sira ako ke sape kasi aside po sa panel discussion nga, tinanong pa ke simang yung iba kong wento sa kanya na yung mga naging syuta ko weh, kulang ang isang coaster pag sinakay mu lahat..



so ang payo at lessons sa mga mag sasama ng asawa, sa bahay p lng e do the briefing, pede sabihin na pag uwi n lng ng haws dun mo ko gulpihin (sabi mama ie) hahahaha, o kaya naman turuan na magsinungaling khit minsan lng hahaahah.

ok ka mama lizle, saludo kmi sa katapatan mo hahahahaha

nung mag set ng conference lumipat na kmi sa sala, khit kmi naguluhan kc nka 2 or 3 red wine na naitumba that time tapos may whiskey p binuksan fafa jojo, earlier nag set na ng table si fafa jojo kc may dala sya poker set, tapos ung magic sing p ni el pres na may back up na battery para sa walang humpay sana na pag awit ni mama lag, kaso kulang ang time marami di nagawa, di nagalaw ang poker set ,sayang at di ko na nawitness galing ni fafa jojo sa pagiging dealer, di rin nagamit magic sing, pero super hi tech nga kmi , ung isa laptop ginawang typewriter, ung isa ginawang web cam, kung saan nailibot ung mga nka ol sa loob at labas ng villa, ewan lng kung malinaw pa nila nkita ung labas kc hatinggabi na un. lumipat lng ako sa kabila villa mga 1am to check the kids, tapos naligo saglit, paglabas ko bathrum aba, kanya kanya pwesto na sa paghiga, nyte nyte na pala ay mali early morning rest pala kc mga 2am na un. natulog na rin ako,

mga b4 6am lumabas ako rum pero tumba p rin mga kasama ko, so lumipat ako sa kabila villa, ayyyy gising na din pala mama ie, pero katabi nya fafa vic so ayoko naman mka istorbo bka hahabol pa sa last hurrah ei hahaahha, kaya nilabas ko bike ni migs at ako naman nag bike, pero syempre kung todo ingat though may natira pa gauze pero di ble n lng ayoko magkapeklat wala p ko pang calayan or belo haahaha.

blik ako villa tamang tama, nka get up na ung mag ama c ff jojo at migs, bonding pala nila mag ama ung biking at talagang kumpleto sila ng gadgets from head to foot hahaha, galing saludo ako sa bonding nyo.

nagluto ng breakfast si pj at sape, tenderloin, hotdogs and ham, tapos ininit ung iba food natira nung gabi, ung iba nag rice, ung iba bread, ung iba cereals lng, ung iba combi ang kinain, ako kinain ko lahat hahahah. tapos nag swimming ulit mga bta this time all together na, kasama na mga anak ni mama aids, mama ie, at sape, joshme napuno ang pool sa knila, at umapaw ang tubig ng lumusong si fafa vic, tapos talagang halos naubos na tubig sa pool kc lumusong din si mama aids, nag lead ng games sa pool si mama lag, tuwang tuwa mga kids super enjoy. kaso bkit ba di talaga mapigilan ang oras pag kailangan grrr, kinailangang magsi ahon ulit kc time to pack up na, 11am supposedly e check out sa mimosa though nag extend ng 1 hour ginawang 12 noon, bitin p rin ang bonding moments ng mga kids

at ang okra at talong di nagka chance na maluto kung ano sya dumating ganun p rin nang sya ay umuwi.

from mimosa dumiretso kmi sa red crab, this time treat ni el pres, nagpa kodak kmi b4 and after pumasok to check how much we will gain, though sa villa p lng e nadoble na original weight namin hahaha,

ang mga inorder: for the kids majority ordered for chicken fingers and fries,some shakes some juice, others softdrinks, ung mga feeling kids e adobo pusit, tenderloin, crab maritess, caesar salad(tama ba?) ahh basta vege salad, sinigang sa miso na panga ng salmon, chicken (not sure if bked or roast),sa side nila pj at sape di ko na alam ano inorder nila , joshme kahaba kaya ng table imagine 24 persons kmi, tapos nasa kbilang dulo ako, kaya kung todo istima ung mga nasa resto kc laking swerte at ang dami naming nagsipasok sa knila, not to mention na dollars ang rate nila waaahhhhh, buti mucho dinero ang mga hosts ng events hahahah. ung natira pakwan dala mama lag, pinabiyak namin, syang desert, sa sobrang laki di namin maubos kaya ung iba natira pinagawa p naming shake , hahahaa nilubos ang services ng mga boys ng resto.

after burp, convoy na ulit at fontana kmi, sussss bumuhos ang malakas na ulan, galing ng family ni barbie, paglabas ng car nka trunks na fafa jojo at migs, nka swimsuit na kisha, pia at barbie hahahaha, family on the go talaga sila hanep, at pumasok na kmi sa water park, dito na naubos oras namin, kmi ni mama leny e sumunod sa mga anak namin to join them swim and explore the river . si fafa vic e nag swim din to look for the kids, c mama aids, el pres, mama ie at mama lizle e kinarir ang panglilibak sa mga dumadaang mga butanding haahaha, di nagpahuli ang paparazzi, c pj na di namin malaman at lahat ng angulo pala e nasusundan kmi para kunan ng ibidinsya, kinarir ni sape ang pag slide sa super habang slides nila dun, ayun nanakit ang balakang hahahaha, kumpletos ricados ang outing na ito, pati masahista may kasama kmi, ung dalawang anak ni sape , aatakihin ka sa puso sa gulat bigla ka lalapitan at bigla ka mamasahihin to the max, in fairness ang galing mukang hinasa na ni sape at blak magtayo ng parlor sa mga susunod na panahon hahahaha. around 6pm kodakan na para sa mga last poses, convoy na ulit sa pag uwi,

isang lubos at taos sa pusong pasasalamat
sayo barbie sampu ng kabiyak na walang puknat
sa pag iistima at walang humpay na pag gayat
di malaman, di makali kung ano ang iseset -up
upang ang yong mga katoto'y tunay na makaranas ng sarap

kahit ang tuhod ay nawakwak patuloy ang hagalpak
di dahilan ang sugat upang itigil ang halakhak
laking tuwa ko't pasasalamat kasama ng aking mga anak
kung di dahil sa yo kmi ay di masasama sa paghagalpak
sa yo el presidente isa kang tunay na pakpak

(to be continue po ang tula ko sa mga kasama at naiwan, break muna po sandali brb)

No comments:

Post a Comment