Thursday, April 23, 2009

MARIA BELEN ALBANA BENDICIO-CARPIO

born December 25, 1968
address: nasa Gatbuca pa rin ang aking nanay at mga kapatid pero ako at ang aking pamilya ay NPA (no permanent address)but presently residing in Balungao, Calumpit (bkit NPA? may plano po kmi mag migrate sa iba country , first choice europe kc most of my relatives e nandun na po) wish us luck po. . .

contact number(s): sun : 0923 8703195 / globe: 0905 4193478 / smart : 0921 2606849
digitel landline gatbuca (044)6751500

so u see wala po kayo reason para sabihin na kaya di nyo ko na invite (sa future gimik) e kc di nyo ko ma-kontak hehehe . . .

husband : Nelson "Sonny" David Carpio

born sept 13, 1966, his mom is from sn. fdo. pampanga, father is from bulacan-bulacan but he was born and raised in mandaluyong city studied civil eng at mapua and ccountancy at ncba

occupation: cook at national pipe co. ltd. Al khobar Saudi Arabia (year 2000-present)
btet naging cook? kc nagka restaurant (fine dining) po family nya way back 1996 sya in-charge sa kitchen supervision and mgnt ( galing sya sa barko kung saan naging camp boss so malawak na experience nya) bait sya being my better half and responsible and i cannot question his being father to my children, saludo ako. yun nga lng di ko sya makayag sa mga dabarkads gimik natin kc nga raw e lakad natin un

children : Jude Neos Kim (eldest)

born August 23, 1996, grade 6 at Holy Spirit Academy of Malolos (formerly Immaculata) at her age now she knows how to cook calamares, baked mac, yema, et. al. without anybody's help. (bilu-bilo? naidemo na nya sa skul sa kanilang cooking lessons wherein she got the highest grade) she's my ever reliable assistant sa kitchen. she's doing well in school also and good in math. na i published na rin ung kanyang winning poem sa newsletter natin grade 3 sya nun. lately may pasalubong na naman sya certificate kc nag join sya ng quiz bee (di po nag first place ei) but to top it all e magtatayo po ata ng foundation ang aking panganay pati bunso paglaki nila, lahat kc ng nakikita nilang problema ng mga kaklase nila e pinapa gawan ng paraan sa akin



Nathalie Kaye - my youngest

born : October 14, 1997 grade 5 (same school sila ni kim) marami nagsasabi she's pretty (eheeemmm)
she is a dancer and very good in dramatic oral reading . best in art works . constant officer sa student council. super matalinaw po di ko sya maasahan sa kitchen huhuhu, na ha hi- blood ako pag sya katulong ko sa pagluluto. Pero pede ko sya ilaban sa contest when it comes to house cleaning and organizing things, ganun ata talaga kanya kanya ng forte. ang ate nya burara waaaaahhhhhh. . .

(censya na kayo guys pti mga anak at asawa e nilagyan ng write-ups , yan kc naisip ko pamalit sa video presentation ni fafa dick, di ako runong mag post sa you tube ei)

AFTER HI SKUL LIFE
sabi ng marami makulay ang hi skul kesa sa college, on the contrary mas naging makulay po ang aking college life. . . (the bazooka shooters can testify on that lalo na mga taga PUP)

naging president po kc ko student council at na involved sa mga rally-rally (but i dont join the rally kung wala ako e.d. on the topic involved . . . kasama ko sa rally sina mike defensor at isa si randy david sa nagbibigay ng educ sa amin. bihira ako nkaka attend ng normal klases kadalasan special ang mga exams ko , supportive naman mga klasmeyts ko kc binibigyan nila ko palagi xerox copy ng mga lessons na naidiscussed ng mga panahong ipinadadala ko kung saan saan para irepresent ang PUP.

minsan natakot din ako kala ko katapusan ko na, naka received ako letter from malacanang to dine with the president (cory) uso po nun ung mga nawawalang student leader. joshko namaalam na ko ng husto sa mga kagrupo ko na bahala na sila magwento sa pamilya ko kung sakali . . . wala naman po masama nangyari nakaganda pa nga para idagdag sa aking memorabilia kc we ate like the queen and king do. launching pala un ng new project ni cory "dialogue on peace" involving student leaders and 1st class ng PMA.

dito ko rin sa college natutunan ang mkisalamuha sa ibat ibang uri ng tao, palagi pinaddala ko sa immersion, kasali po kc ko sa isang political party that time. di ko po nasisilayan ang dakilang araw sa calumpit, kc aalis ako ng madaling araw at uuwi ako ng hating gabi, pero madalas sa skul na po ako natutulog kc may ofis naman kmi dun.

kahit gano po ako ka busy di naman ako nagpabaya sa aking pag-aaral , nka graduate po ako Bachelor in Accountancy (ladder-dual course p po ako kc may computer science degree din po ako, un nga lng wordstar ang uso nun hahaha) cum laude

unang job ko po masalimuot . . . di pa kc ko nakakagraduate kinuha na po ako ng DOST sa taguig although tapos na mga exams pero late ang graduation namin. kaya lang pasado na nga po kc kgad ako sa prof civil service exam. nung nandun na ko dumating offer ng SGV and co. saka Juaquin Cunanan (price waterhouse, phils) parehas silang accounting firm pero pinili ko ang joaquin cunanan kc isasabak ka kagad sa audit unlike sa sgv na puro vouching muna sa simula. di nagtagal inatake na ko ng hika kc 24/7 ang job ng auditor. tapos pag sa malayo ka na assign e dun ka titira hanggang matapos mo tarbaho. lumipat ako metrobank kung saan naging financial analyst, pero dumaan din ako sa pagteteller at kung anik anik na job related sa banking industry. mas masalimuot po dito kc na eye ako to become union officer (president). padadala na nga ako sana sa israel ng tucp para sa leadership training, na alarmed ang mgnt. saka nag front na rin ako sa mga union meetings and escapade, pumasok kc sa sistema ko ang mga trainings na nakuha ko during my college life kaya nadala ko hanggang sa aking pagtatarbaho, sumabay ang aking pagbubuntis sa aking panganay kung saan wala naman ako asawa, boyfriend ko p lng po kc nun c fafa sonny, kahit nagpakasal kmi asap (civil) at nag submit ako ng marriage cert e nkasama na sa issue against me. nag delikado ang aking pregnancy period gawa ng pressures, nka ilang threatened abortion ako kaya ayun buti kahit 7 months c kim ng lumabas e i really thank HIM na lumaki syang normal.

nag resign na ko after giving birth kc madalas na kmi sa ospital gawa ng complications ng pagiging pre term nga ni kim, sa ospital na lumaki ang aking panganay, di pa naghihilom ang biyak ko sa tyan e ina antok na naman ako, un pala buntis na naman sa pangalawa, c kaye, kaya sa pangalawang pagkakataon e biniyak na nman ako.

maaga kaming sinubok ng kapalaran, biruin nyo nagsara ung barko na pinapasukan ni fafa sonny, waaaahhhhh, nkilala ko lahat ng pawnshop, at nangamatay na sa sanglaan ang mga naisangla ko kc nga di natubos, mas gusto ko kc magsangla that time kesa lumapit at mangutang sa ibang tao o kamag anak.

umabot ako sa point na ayoko na , gusto ko maghiwalay na kmi ni sonny, (bcoz of financial problems) kung ako lng siguro ang nasunod e matagal na kaming hiwalay, kaya lng matindi ang conviction nya to build a happy family, and i really thank him for that. lahat may ups and down naman diba, sadya lng madaldal ako kc di naman ako nahihiya sa mga sinapit namin, kaya kinukwento ko khit knino na nagtatanong, dumating ang offer ng Bangko ng Kalumpit sa akin to manage the the whole bank and its branch, i accepted the offer. dun ko nabigyan ng tarbaho si mareng gemma b. ok na sana kc ang lapit malaking tipid na sa akin kahit may service naman ako, pinapagamit kc sa akin ung crv nung owner ng bank. eto na naman ang problema, umandar po ang insecurity ni fafa sonny palagi na namn kming nag aaway, tapos sumabay sa pressures ko sa bank , nag resign po ulit ako. binigyan ko ng warning si sonny na pag di pa sya na alis e ako ang mag aabroad, siguro nkalaan akong maiwan sa mga anak ko, dumating ang offer sa Saudi at syempre sunggab agad ang aming fafa. unti unti nkabawi na kami.

lessons i learned: mahalin ang mga kamag anak kc sila ang talagang dadamay sa yo sa oras ng kagipitan. wag mangamba nanjan lng SYA at parating naka alalay, pag may kinuha SYANG mahalaga sa yo may ibibigay SYANG mas mahalaga.

mga bazooka shooters wag naman sana ko malaglag sa upuan this time, tandaan weather weather lng ang pag upo natin sa hot seat waaaaahhhhhh mag warning ba? ge po ready, aim, fire ! ! !

Memories & Comments
Grace
First impression ko when I met Belle: 4M - Matangkad, Mataray, Magaling sa Math, Madaling makilala at matandaan si Belle noon dahil sa liit ko, higante dating sa kin ni Belen.

Magaling sa Math --- walang kaduda-duda dahil natatandaan ko sya pinanlalaban sa mga math competitions at sa loob ng klase, pag walang makasagot, laging si Belle ang inaasahang may sagot. Parang sa Science din yata, top of the class sya.

Mataray - ang dating, at ng mga unang linggo ng school, wala akong kamalay-malay na may 2 grupo pala at nagkataong napunta ako sa kabilang grupo. So, di lang mataray ang dating, pero naranasan ko din ang mga katarayan niya. Lalo na ng ibinalik ako from section 12 kung saan pinag-samasama ang lahat ng transferees.

But after several months in school, lalo na sa 4th year, 3M na lang si Belle - Matangkad, Magaling sa Math. On efforts of all concerned e nag-mellow na ang lahat at di na ko natatarayan ni Ms. Belle. Kung magtaray man e nasa lugar di bah? And now over the years, nadagdagan na naman ng isang M --- maganda --- walang halong biro. Kaya naman pretty rin mga anak mo kasi maganda ka naman talaga....at in agreement pa si Rex dyan

After reading your brief life story Ms. Belle, wala akong masabi kungdi WOW..na may kasamang paghanga. Bilib ako sa tapang mo which is evident sa mga experiences mo nung college and after, at sa tapang mo na ma-ishare sa min. Dehins ko yata kaya yan...

Thanks for sharing it with us. Lalo kitang nakilala ng lubusan.... Ngayon di ka na 4M, kungdi M to the nth power.....Matangkad, Maganda, Magaling sa Math, Matapang, Masarap Magluto, Madasalin, Mapagtiwala sa Diyos, Maaasahan, Matalinaw, Matalas Memorya, Mapang-intriga,.................... (bahala na kayo dugtong, hehehe)

PS. Ipagpatuloy lang Ms Belle ang walang sawang pagasa sa Diyos na di ka niya papabayaan at ang paniniwalang pag may nawalang mahalaga, may kapalit na mas mahalaga. God bless...

Belle replied
ms gracie, kala ko sa hot seat ako mauupo naghanda pa naman ako ng ice cold water sa tabi ko pampalamig, un pala sa wet seat ako uupo, dapat timba ang naitabi ko pang sahod sa luha, mugto na nga mata ko, sanay na po ako sa negative attacks di na nga ata ako tinatablan nyan, ung papuri ang di ko napaghandaan . . . maraming salamat kinalulungkot ko kung akala mo napagtarayan kita , di ka naiiba sa marami , sabagay wala pa atang nagsabi sa akin na ang first impresssion nila ay M-- - - -abait ako. . . di ko sinadya ni binalak na magtaray, cguro ito ang aking naging defense mechanism kc sa totoo lng sobrang lambot ng puso ko. . . but then again , sorry ms gracie . . .
ung papuri mo ang bazooka na di ko nasalag . . . damang dama ko ang bawat katagang binitawan mo. . .
c rex magka mag anak kmi nyan sabi ng lola ko , i dont know how, sabi din ni ma'am jovi mamaradlo sa akin, kaya di nkakapagtakang magandahan sya sa akin HAHAHAHA
maraming salamat po


Grace replied:
Di ko po sadyang magmugto ang iyong mata. Lagyan mo na lang pipino para beauty pa rin :-)
o eto na hot seat belle para naman di masayang pagprepare mo.... matanong ko lang -- e cno ba ang crush mo nung high school? aminin.,,,, :-)

Belle replied:
wala ako naging crush ms gracie e, late na kc ko kumerengkeng college na july 11, 1988, ayan ha may exact date pa, un ung sinasabi ni fafa dick, pero nanligaw sa akin c ernesto cruz, ung naging bf ni poy , tapos nung 4th yr tyo tinutukso nyo ko kay obet kc nga sya escort ako muse, pero wala talaga ei, sbi nga no bells



MJ
hi bel, haba nun ah...hehehe..we just chatted at gaya nga ng sabi ko puro good comments lang pwede ko sabhin dito...most of our klasmeyts in hi skul ay talagang magkakakilala na since their elementary days, ako nun lang ako napdpad sa calumpit talaga kaya syempre new classmates lahat at new friends at the same time,

alala ko lang nung hi skul tyo na madalas ka din magkwento nun sa akin..di pa din pumapalya pag ka madaldal mo ba hehehe..gang ngayon ganun pa din...pero di ka naman taklesa in fairness..i still remember pag nakapila tyo nun ang ingay ingay mo! grabe! haha at c bethel at irene lagi mo kasunod nun kaya kahit malayo ka sa skin eh dinig ko boses mo..

we had our 7-club then..though very competitve ang lahat sa academics and extra curricular activities(which super involved ka that time) eh di naman madamot nun at very supportive ka sa akin in letting me join in some activities then..join naman din ako kahit di ako gano talaga ka interesado plus the fact na madami stin ang mas my kakayanan academically speaking at mataas ang competition sa lahat ng aspects...syempre what do you expect from "the cream of the crop" db? (as MS MAGtalas always say)...but happy ako kasi ka group kita, ka club i mean dahil you were always supportive then at hanga ako sa takbo ng utak mo hehehe..fast..like talking hihihi but even up to now ganun ka pa din..matulungin sa kapwa...

kapangalan pala ng ex ko ang hubby mo(oist sape kaw din) well actually ka nikname ba.. at least it turned out that you found a good husband in general hehehe..well some people never had a happy life in the beginning..hehe parang ako pero niwala pa din ako na meron para sa akin..db ganyan din perception mo? hihihi sbi mo nga kanya kanyang timing..basta ninang ka ha? hehehe teke kaw nasa hot seat bat ako kwento life ko hihi....peace po sa nagbabasa...

basta bel, hapi na frend kita taht up to this time when we became matured in our lives at super busy ka sa family mo ay anjan ka pa din for all of us..kahit na ginagawa ka muna nila proxy sa gimikan (pssst mac, pj,sape) hehehe at now jan venue lagi sa place mo..pero bilin ko naman wag ka apihin at kawawain baka sumpungin ka hiks hehe..saka jan tyo my bond sa pagiging asthmatic..saludo ako sayo..sa pagiging nanay..confidant( opppsss my secret ba tyo)...wife at frend...ingats k lagi..God bless you as He alwyas do...
(ayan ha di kita tinira pag turn ko walang tirahan ha? hehehe)luv u bel...take care...

Grace Again:
Naku korek ka dyan mj.... naaalala ko daldal nga at ingay si Belle. At dahil nasa harap sya sa room, laging napipilipit leeg para makipagdaldalan hehehe. O yan bel, 2 M pa - madaldal at maingay. (peace ;-)

Belle replied:
mj, basta sabi ko sa yo dito gawin ang binyagan pero kung libre tiket aba e go ako kahit saan . . . nina lng tayo usap sabi ko sa yo matulog muna ko sandali db? sa katotohanan di po ako nkatulog, nka on pc nkikita ko mga pumapasok na posts, un nga lng kinailangan ng matinding effort para sa resbak.
tagal na tayo magkakilala , the feeling is mutual, like mo ko like kita, dalas naman tyo wentuhan talaga di b up to now, hehehe traits ko na ung pagiging madaldal , di ako c belle pag natahimik ako, mawento talaga mabiro , bilis nga kc ng senses ko ewan ko ba, natatranslate ko sa words lahat ng nakikita ko.

antay mo maupo sa hot seat ha? pati kaw ms gracie wait 4 ur turn ika nga ni fafa dick hihihi
maraming salamat . .





Dick
Before highschool
Sabi nga po nya earlier clasmates kami from Grade 1~6, Ang Math wizzard ng F Mendoza Di naman po sa pagyayabang marami po syang naibigay na award para sa school. Isang out standing student na nadala din naman po nya hangang higschool at college. May mga times na seat mates kami kung hindi man ay magkasunod ang upuan namin.... Mabait naman yan pinapakopya din ako nyan pag me test he he he shhhhhhh


High school Memories
3rd year na nga po kami naging maging classmates pero madalas din kami magkita dahil lagi namang magkatabi ang room namin noon. Very friendly syang tao at mararamdamamn mo na importatnte ka sa kanya yun nga lang may katarayan din sa iba.
Cant forget nung 4th year during class election...Being elected as muse di ko alam kun asar ka or natutuwa ha ha ha ha pero atleast may nagbago di ba di na alng laging pang mayor/governor ang laban mo...... atleast muse naman....At nung Xmas parade though late ako nun looking on those pictures mukhang happy ka naman being the class muse.
marami pa tayong pinagsamahan nuon
-like the patentero sa harap ng school
- paglalakad sa riles dun sa may tulay habang nasa gitna tayo dumaan ang train he he he he
- remember JABAR? hindi ako member naalala ko lang

College Days....
Yun nga school mate kami pero madalang kaming magkita pero merong isang instance sa akin na di ko makalimutan nagkita tayo isa sa mga xerox copying palabas alam nyo ba classmates di nyo iisiping sya si Belen na dating classmates nung HS ibang iba ang aura nya..... i mean girl na girl at kulot kulot pa ang hair..... then I do a little research at balita kong lumaban sya ng beauty/popularity contest sa department nila tama ba Mama Belle ang info ko......? At nung nakita ko sya me kasama sya forgot the name palagay ko bf nya that time.. he he he he

After College
Remember mo yung nagkasabay tayo sa FX from malolos he he he he non stop ang aming kwentuhan ni Mama Belle sabi siguro nung kasabay natin (ang ingay nung 2 he he he he) considering umaga po yun kaya both hyper pa kami

Present Time
Well reading your post mas lalo kita nakilala i know now san nanggagaling kung sino at ano ka ngayon....At happy ako dahil nag connect ulit tayo biruin mo kung tutuusin 32 years na tayong magkakilala.... Sa tagal na panahong yan hindi man natin masabi na very close tayo nuon pero wala naman akong matandaang instances na nagkaroon tayo ng away or tampuhan... Lahat ng time na yun with you puro happy moments....

A salute to
- a Dear Friend
- Good Mother
- Good Daughter
- Loving Wife... despite of trials
- God Fearing person

takot ka ano kala mo.... laglag ka...........

Belle replied:

believed talaga ko sa memory mo fafa dick, ung iba naman jan e alam kong wala sa data base basta nka store ng talaga sa memory mo. akalain mo pati nung college na akala ko di mo rin ako nkikita kc nga magka iba dept natin un pala e na momonitor mo rin ako hahaha.
ewan ba pti yang beauty contest na yan e nasagap mo pa pala, nawala ako saglit sa campus kc nga pinadala ko sa labas aba pagbalik ko e contestant daw ako, di ko na na traced sino promotor, di ko na rin ma recall ano nangyari pero ang sigurado ko ,kung di ako tumulay sa alambre e kumain siguro ko ng bubog sa talent portion. . . hahaha ……. ung nkita mong kasama ko e un na un hmmmmmm, may kunek sa inawit ni ms ymelle kagabi na "promise me" hahaha .
hindi biro ang 32 years fafa dick kaya somehow parte na kyo ng sistema ko, salamat sa mga papuri at paglagay sa akin sa pedestal, salamat din sa mga di inaasahang pagbagsak mo sa akin sa burak, kagaya nyang pag popost mo ng mga pix ko nung gr 2 at gr 6, iniangat na nga ako sa ere ni ms gracie at rex db ganda ko raw tapos bigla mo ilalabas yan hahahaha. many thanks fafa dick for the keepsake. mabuhay ka talaga

Ymelle replied:
haha!!!! ms. belle okay lang yung memory gap mo... kasi naman lag ka nga dun sa picture mo nung gr 2 & 6 malamang hindi na rin remember yung look ko nung mga panahon na yon... kasi kung meron man baka lag din ako... hehe... yap!, tumira nga samin for awhile si mam tuazon... sayang di tayo kita nun... anyway, okay lang yun... kita naman tayo ngayon...

Kaya naman pala may I react ka sa "PROMISE ME"...

Belle
waaaaahhhhh kc umalis sya going italy sabi e promise me you'll wait for me hahahaha, tapos inawit pa ng barkada namin yang song na yan dedicated nga sa akin

Ymelle replied:
Dapat pala... ginandahan ko kanta... para lalo ka waaaaaaaaaaaaaaaaah...tapos tinagalan ko pa... diko kasi alam... next time... joke!



Ymelle
Hi Belle, sabi mo nga basa na lang para malaman yung wento...
Isang inspirasyon ang iyong buhay... tama si Grace, marami talagang M's ang pwedeng ibigay...

I'm trying to recall... alam ko nung elementary pa kita nakikita... kasi nga panlaban ka sa MATH ng school sa contest sabi nga ni Dick... lagi din akong kalasali kaya lng nga mas magaling ka sa akin... for obvious reason dahil ikaw ang champion...
Nung high school, di ganung close kasi po may mga grupo nga po...alam mo naman most of the time observer lang po ako... silently watching kung anu yung nangyayari sa dalawang group kasi yung group namin ay very neutral...hehe... although infairness academic lang talaga ang pinagtatalunan... hindi personalan...

After college pala di namin alam we were living on the same street (A. Bonifacio St, Mandaluyong) and later mas near pa sya pero the whole time na nandun kami di kami nagkita....'dun mo ba meet Sonny???
Then sabi nga when the time is right it will be given to you... I found you so involved in helping others and after reading your story now I know why...

You are right is saying, SI LORD lang pwede mong kapitan... lahat ng problema may solusyon... Kung papano lang natin tatanggapin yung sagot ang mahirap minsan... dahil iba iba nga ang perception ng tao...
I'm proud of you Belle, keep up the good works and I know God will always bless you with good things because you have a good heart... 'love you Belle -

Ymelle

elow mama santa claus,

usap na tyo nina sa cell at nauna ka maka alam bkit di ako maka resbak kagad, pero bago ang lahat maraming salamat sa food stub, hehehe guys, nai claim na po namin kagabi, at un nga reason why up to now e wala pa ko tulog, 5am na kmi nkauwi ni pj tapos nag send ako ng aking post kc nga ako nasa hot seat.
mas matindi ata memgap ko sa yo ms ymelle, di ko kc natandaan na nakalaban kita sa math, censya na talaga, akalain mo un? isa lng kc natandaan ko c fafa mac, kc tinalo nya ko one time b fafa mac or twice?

tama c ms gracie ako nga pinang laban sa chemistry at physics nung hi skul tyo . . . kc kanarir ni fafa mac ang math. . .

isa pang biro ung magkapitbahay lng pala tyo sa mandaluyong pero ang weird talaga ni minsan di kita nkita though alam ko na malapit lng kyo sa akin kc db c mrs Tuason e tumira ata senyo dahil sila ni ate mary e nagturo sa don bosco manda tama po ba?

dun ko nga nakilala c fafa sonny, kpitbahay nila ung boarding house na tinuluyan ko . . .

nakaka inspire naman marinig na somehow e inspirasyon p pala ang aking talambuhay, isa kc sa ntutunan ko din ms ymelle ang magpakatotoo.

magdilang anghel ka nawa sa pagsasabi na ako ay KANYANG patuloy na bibiyayaan, at panigurado pong maraming maaambunan. . .

maraming salamat sa mga moral booster ms ymelle . . .

i am also proud of you . . .

Ymelle replied:
sana naging masaya kayo sa fud stub... hehe

Belle replied:
joshko ms ymelle pag may nagsabi na di nag enjoy e sinungaling, sa wentuhan p lng lalo na sa anti rabies at derby ni mama aida ewan kung di sila humagalpak ng tawa. dagdag pa pagtawag ni fafa dick hahaha, e ung dalawang itlog na lng na nagdemo ng panyo plus their choice of songs na puro bisaya waaaahhhh, ung mga simpleng sundot ni ms leny, saka pangungulit ni fafa mandy , pansin mo ba tahimik fafa mac kagabi di umeksena btet kaya hmmmmmmmmmm




Jeannie
Ang walang kupas na kagandahan ng muse ng IV-1! last tayo nagkita 2 weeks ago ba? dinaanan ko tshirt going home from work..
May sampay kang towel on your shoulder, maliligo na sana bago ako dumating, naabutan ko po kausap si Mac sa cellphone... ay bungisngis talaga!. Yung beauty mong yan ililigo mo, e mas fresh na fresh ka pa ngang tingnan kesa sa kin na haggard look from work! At pinauwian pa ko ng date fruit na noon ko lang natikman in my whole life....(pero masarap nga mama belle)
Sa story of your life, di po ako makapaniwala na yung taray o tapang mo nung higschool ay dadalhin mo pa rin sa college! Bakit di kita nakita na kasama ka nung mga activist students ng PUP.. Siguro dahil nalipat ang 4th year Acctg sa Lepanto? (isa ka pala sa kanila, di ko po alam). At balita ko rin nung nasa Kalumpit Banko ka, ipinaglalaban mo pa rin ang rights ng mga employees nyo. Yan po si belle, pag may katwiran, ipinaglalaban..
Si belle din po ay kaiskwela ng tatay (biyenen) ko.. every Nov. 1 po sa memorial. close sila kasi parehong di nauubusan ng kwento... Hmmm mam belle, pagpapasensiyahan mo na po kung naungusan ka po ni tatay sa mga kwento nyang pauuuuulit-uuulit... di ba dick?
At hanga po ako sa katatagan ng loob mo.. Wala po ako planong manlaglag kasi di naman kita nakakulitan,, he he.. at masayahin ka naman talaga, nakakahawa ang saya, pero madali ring mahawahan ng pagkamalimali ng isang tulad ko... PEACE PO SA LAHAT NG MAG-SHAHARE NG KANILANG BUHAY AT SA MGA MAGBIBIGAY NG COMMENTS...INGAT PO...

Belle replied
ang kambal jeannie bow,
friendship nga kmi ni tatay(ur byenan) khit di nov 1 pag nagkasalubong kung saan man e cguradong magkukumustahan. lam ko rin story nila ng dad ni fafa dick kc nawento n nga po sa akin habang kmi ay walang sawang nkatanghod sa mga kandilang nauupos during all saints day. morning till nyt ang drama namin sa memorial kc nga mga fanatic fan kmi ng mga namayapang mga relatives. di ako nkukulitan sa knya ms jeannie kc parang kausap ko rin ang aking tatay sa kanyang katauhan.
naging super close din kmi ni regina ur younger sister kc nga sa bangko ng kalumpit db? sa kanya mo cguro nalaman ung mga sanay naipaglaban ko kung di ako nag resign.
dami group ng mga rallyista sa PUP ms jeannie , madalang lng ako sumama , kung kinakailangan lng. . .
palagi ako maganda sa paningin mo pansin ko lng sana nga naglilihi kana pero di ba boy ang gusto mo waaaahhhhh, peaceeeee po hihihi. . .
ung pagka mali mali mo e virus ata na lakas makahawa tignan mo fafa mac nka ilang send ng putol na posts hahaha ……….wait till maupo ka sa hot seat ms jeannie hahaha,
maraming salamat po sa mga positive comments . . .




Mac
Hi Mybel...

Isa ka sa aking mga kaibigan. Inisip ko kung bakit ako napalapit sa yo...Karamihan sa mga dahilan na naisip ko ay ang yung mga napakaraming katangian na hinangaan, nakita, nadama at nalasahan na din namin. Hayaan mong ilahad ko ang ilan.

Si Bel po ay:

1. MAGULANG - wet lang wag ka muna malaglag hehe..what i admire most sa isang babae ay ang kanyang pagiging ina at yung kanyang motherly love ( di lang ito nag-apply sa mga nagluwal ng anak). Sa sandaling panahon na nagkita tayu at sa mahabang panahon na pag-uusap natin(hehe), yan ang una kong hinangaan sayo. nakita ko yung debosyon mo sa mga bata at sa buong pamilya mo kung panu mo sila itaguyod para maging mabuting anak, estudyante, kaibigan. At di lamang sila ang nabibiyayaan ng motherly love mu pati yung ibang nakasalamuha mo.

2. MAGANDA - hmmmm syempre birds of the same feather db? Minsan po nanuuod ako nang TV, showing yung Shakespeare in Love...kita ko Gwynet Paltrow at na alala ko si bel..sabi ko kahawig...at bilang isang mabait na kaibigan na mahilig mambola..tineks ko si Bel...sabi ko kahawig nya GP...at syempre si Bel po..di marunong magsinungaling. ..ang kanyang sagot ay.... di lang ikaw unang nakapansin nyan....seeeeeeeeee ....malinaw pa po ang mata ko.....pero ang pinaka magandang parte sa katawan ni Bel ay ang kanyang puso...ang walang pag-aalinlangan pagmamahal sa pamilya, kaibigan at sa kapwa...yan Bel... ang kagandahang di tumatanda at di kumukulobot. ..

3. MATAPANG - Isang araw ..tumawag si Bel sa akin...nagtatanung ng baril at me attempts daw na pasukin yung bahay nila, mga babae sila sa bahay at nasa abroad si Sonny..nasa malolos pa sila nakatira nun....bilang isang mabuting kaibigan..syempre tinanung ko kung anong klase ng baril yung gusto nya..hehe... napag desisyunan na lang nilang lumipat kesa magka-gyera po sa malolos, kaya nalipat sila sa Balungao. Kaya subok na atapang atao si bel..db pj?...pero mas matapang po sya na ipaglaban yung tama, mas matapang syang ipaglaban yung di makapagtangol sa sarili, mas matapang syang ipaglaban yung kanyang pananampalataya sa Ama...

4. MATHALINO - Elementary pa lang po pinahihirapan na ko ni Bel...pinapagulong pag Math contest...buti na lang di ko pinersonal.. .hehe...isa sa mga nirerespeto ko in terms sa me wenta ang laman ng utak...na nakita naman natin sa mga accomplishment nya..given na yun..pero mas matalino si Bel sa pagharap sa hamon ng buhay...siguro sa mga dinaanan din nya..dun nabuo ang Bel na kilala natin ngayon...

5. MATANGKAD - hmmmmmmmmm.. .kaw na ang maging muse ng IV-1..syempre. .kasama dun yung height...sinundutan pa pala sa PUP...buti na lang di nahila sa binibining pilipinas... .but bel really is Larger Than Life...syet. .inglish yun...feel mo presence nya san man mapunta, ramdam mo yung kanyang tawa, kanyang kwento, basta alam mu kung nandun si Bel..enjoying life, sharing yung happines man o yung sorrow....next quality na nga..hirap explain..pero gets mo Bel?..matalinaw ka naman ei...

6. MADALDAL - yan ang ganda ke Bel..di ka mauubusan ng kwento, me analysis pa...kaya nga nung madalas kami magtawagan ni day at pj sa sun sakto yung free calls ko kada load..ngayon kami ni mybel...isang araw pa lang ko naloload..ubos na...me gamit pa ng globe at chat at tex nun ha?....dahil sa daldal nya..ang kagandahan non mas nakikilala mo ang tunay na Bel...nalalaman mo pananaw nya sa buhay...mga mithiin...mga panalangin...mga sama ng loob..mga pagdududa..mga dalamhati..mga fears...mga worries...yung mga kasayahan...mga tsismis...saka higit sa lahat nagiging magaling kang listener pag kasama mo Bel..hihi

7. MALUSOG - isa sa pinag kakasunduan namin ni Bel pagkain. kahit alam natin na may karamdamam si Bel..ang kayang pusa...laging handa ang kanyang hapag para sa lahat..kahit pagkatapus nito ay pagod na pwedeng mag pagalit ng kanyang pusa...kung malakas kumain si Bel..nababawi sa galing nyang magluto..at ihain sa lahat ang kanyang nahandang pagkain..me pabaon pa...kaya yung laki ng biceps nya directly proportional po sa kanyang puso...

8. MAKA DIYOS - sa napagdaanan ni Bel...me nakapitan syang solid...at makita mo yung willingness nya i-share din yun sa lahat...kaya tuloy lang natin bel...bless po...

MyBel...madami pa na MA...kaya lang magtatampo na si dik...sensya na dik ganado lang magsulat ngayon...

Sa lahat mam bel...wag ka magbabago...matagal pa tayong magkukulitan..magtatawagan...magte-teksan...sana..mas madami pang tao ang makakilala sa Magulang, maganda, matapang, mathalino,matangkad, madaldal, malusog at maka Diyos na si.... MARIA BELEN ALBANA BENDICIO-CARPIO ...

salamat at nakilala din kita...ang yung kaibigan...

Belle replied:

lag ka fafa mac pansin ko lng kahapon ka pa wala sa wisyo db pj, sape? hmmmmmmmmmmmm
nosebleed na talaga to, waaaaaahhhhhhhh

dami MA na naisulat fafa mac kagaya ni ms gracie, di ko tuloy malaman san mag umpisa (di p pala nag uumpisa netong lagay na to hahaha)

khit di nga tayo klasmeyt sa grade skul e nkilala na kita kagad bcoz of math quiz bee nga. tapos nasundan pa nung fast learner tyo grade 5 and 6. antay ko hot seat mo ha

no wori pag bwelta ko sa yo lahat ng topic na sinimulan mo e ibabato ko rin pabalik sa yo bka nga may added topic, bonus at trivia pa hahaha.

maraming salamat sa mga magagandang bagay na nkikita mo pala sa akin , di ko masimulan resbak sa yo kc bka wala na ko masabi pag turn mo na, lam mo na ang aking kadaldalan e parang tubig na pag umagos e di mapigilan . . .

kinabahan ako sa "pinaka magandang parte ng katawan" ah!
PU . . . SO kala ko sasabihin mo PU. . . SON . . . HAHAHA

sabi ko nga po ang aking hapag ay nka laan sa sinumang gustong dumulog . . . patuloy nga lng sana ko biyayaan ng tuwinang maihahain . . . Amen.

dami na nating sharing moments nga sobra, di ko na mabilang sa sasandaling panahon na nagka bonding tyo. kaw din daldal anuvah! patol ka ng patol sa mga wento ko hahaha

"magiging good listener ka", meaning ako lng kc daldal ng daldal waaaaahh

"ang baril" limot ko na un alala mo pa pala, kaw talaga , 38 cal or 45 ata pinapahanap ko sa yo that time, kc nga po nagising ako minsan mga bandang 1am may kamay sa may bintana sa bandang ulunan ko pilit ginagamitan ng vault cutter ung mga grills . hinanda ko na sarili ko sa mga posibleng atake nila kung makapasok man sila pero naisip ko wala ako laban kung walang panabla, dun ko kinontak fafa mac, kaso nga po mabuti umiiral pa rin sa akin ang takot sa KANYA, kasalanan pa rin khit pagtatanggol lng sa sarili kung mapatay ko sila, kc i am capable of pulling the trigger when provoke. at napag desisyunan nga na lumipat na lng ng lugar.

antok na po ako now pa lng ako matutulog from our gimik kagabi, sa mga di ko pa nasagot like mama pinks and mama nie tom po promise




Pinky
my dear belen... wow...what can i say... mukhang hindi pa nga pala tayo nagkaroon ng pagkakataon na magka one on one anoh... though i remember pahapyaw mong nabanggit ung struggles mo in the past dahil nga lumaki sa ospital mga anak mo, some of the details you mentioned came as a surprise to me... wala kasing bakas ng kahapon sa face mo sa ngayon hehehe, you look very happy and contented with your life and there is just no trace of such challenges in the past...

well, i met you for the first time sa Central during our fast learner class, so grade 5 pa lang kami ay magkakilala na kame, although hindi kami gano naging ganun ka close during that time... during high school, like everyone said, you really was a talker, bungisngis sa mga close friends, pero mataray sa iba...matangkad, at super galing sa mathi... anyway, very honored ako to be your groupmate sa 7club...we had our ups and downs pero we have survived... hindi man tayo ung pinaka close sa group, but i cant remember having any petty quarrel with you, i somehow remembered we get closer at some point in time, eh ganun naman talaga pag group diba, paiba iba ung nakakasanggang dikit ba ika nga.. if i am not mistaken kinukuha kang maging candidate for ms CI, di ko alam kung anong year yun, eh super hindi mo gusto...as in nagkakakasat ka sa upuan...kahit na anong amo namin sa iyo, eh talagang hindi mo like at up to the verge of iiyak ka na yata, tama ba ko? naku i hope my memory serves me right anyhow...hehehe...correct me if i am wrong... basta may naaalala akong ganung eksena...isa pang naalala ko eh ung pagbigay mo sa akin ng food sa canteen pag di mo na kayang ipaloob ...lam mo kcng PG ako eh hihihi...lam mong magana akong kumain, at hindi ako tatanggi basta hindi beef ung pagkain hehehe...hmmm ano pa ba, ahhh nakukuha mong mag blush noon pag tinutukso ka namin kay ernesto nung 3rd year...basta in general, ang fondest memories ko with you ay yung lagi tayong masasaya at di magkamayaw sa pagkukuwentuhan...

at present, parang ngang mas blooming ka pa ngayon kesa nung high skul tau, sori hindi kita nakita kahit minsan nung college eh... pati nga pag bi braces eh now mo palang kinarir hehehe... pero super napahanga mo ko sa mga kinayang mong pagsubok ng buhay...nag isip tuloy ako kung di yata ako naging katulad mo nung panahon ng unos sa buhay ko, pero siguro, iba ung naging sitwasyon mo, sa naging sitwasyon ko kaya nagkaiba tayo ng naging desisyon...and so far, i could say tama naging desisyon mo...dahil look at you now, diba... basta, honored ako na naging friend mo ko nung high school... and mas lalong appreciated ko to still be friends with you till now...and looking forward to sharing the future with you and the rest of the classmates.

Belle replied:

pinky dear, katuwa na nakaka -kaba pala ang nasa hot seat . . .maalala mo ung sandamakmak na funny moments . . .

miss C.I. - gusto ko na gumulong kakatawa talaga, alam mo sa dami ng pangaral na binibigay ng aking nanay bago ko umalis ng bahay e isa lng ang sinabi nyang di ko pedeng kalimutan . . .

"WAG NA WAG KANG SASALI SA GASTOS! ! !"

bunghalit talaga ko ng tawa dito sa upuan ko , kung kinailangan na lunurin ko kayo noon sa luha ko e gagawin ko para lng tantanan nyo ko. . . alala ko pa pinatawag ako ni mr catapia pagdating ko sa faculty bigla pinataas sa akin ang palda ko to sight my legs daw, di ko ginawa may lumapit sa akin di ko na matandaan bigla nga tinaas ang palda ko hahaha, tapos sabi ni sir catapia e ittrain daw nya ko sa talent portion nga for miss c.i. isa lng ang alam kong ginawa ko nun, tumakbo ko palabas ng faculty at nanghila ng pedeng ipanglaban talaga. . . c ms nie ata ang una kong hinila na nilislisan din ng palda hahaha. tapos ang kinatapusan nag agree ang lahat na c ms leny nga ang ipanlaban, bukod sa may karapatan e may gagastusin talaga sila.

maligaya ko na naka grupo kita that time ms pinks, di ko nga malimutan ung minatamis na crispy langka na dun ko lng nakain sa bahay nyo minsang imbitahan mo kmi kc fiesta . (ngayon ko lng napagtanto up to now e pagkain pala ang nagbubuklod sa ating dalawa HAHAHAHA) dami mo rin naituro sa akin na words na di ko alam, wait for your time ha, ilalaglag din kita sa upuan mo kakatawa...

isa lang ang pede kong ipagmalaki miss pinks kahit kanino na nagiging kaibigan ko , once na itinuring na kita na katoto nakhanda akong gawin ang lahat pede ko ngang hiramin ang last line ng lupang hinirang . . .
ANG MAMATAY NANG DAHIL SA YO . . .

Pinky replied:

Wow… ako naman yata nalaglag sa upuan dun sa huling sinabi mo my dear belle… pero super natawa ako sa kinuwento mo tungkol sa ms CI blues…naaalala ko nga yan… kc unang tanong pa lang sa akin ni sir catapia sabi ko hindi ako pde dahil marami akong dyes sa legs!!! Hahaha… gawa po ng bulutung tubig nung grade 5 ako… well uu nga..karipas ka nga ng takbo nun, hirap mo kayang pigilan noh, laki mo kaya sa amin hahaha…

I totally agree… kahit di ka pa kalakasang kumain nung time na yun, pagkain nga siguro nagbuklod sa ating dalawa hihihi…

Basta… “ thru good times and bad times, I’ll be on your side forevermore… that’s what friends are for…” diba… same goes to everyone!




Ni
Si belen parang alak habang tumatagal lalong umu-okay.

Dati mataray yan at super concious sa pag-aaral. Pag kakampi mo siya parang mananalo ka na agad. I remember we frequent your house in Gatbuca during our high school days. Nandon lagi si mama na medyo natatakot ako at si lola na talagang natakot ako.

Pero ngayon cool na cool. Super friendly, super mom, super wife.....

Belle replied:

hi ms nie, super brief and concise pero bull's eye. . .
kelan nga ba sked mo, now pa lng ita type ko na and save as draft ang nobelang ipopost ko for you.
thank you




Sape
My Ringing Bell,
Nata2wa ko sa mga pinapagawa sa tin nitong si Sir Mac,para tayong gumagawa ng testimonial,parang friendster ang datingan eh!!Hirap p naman akong mag-type,d po kasi ako marunong mag-type hehehe!!,tyagaan na lang!!!
About sa yo Belen,kung bakit kita tinawag na ringing bell,eh kasi po,ikaw kasi ang bell na talagang lumilitanya hehehe!!Kapag ikaw na kasi ang nasa umpukan,d maaring d ka mapa2nsin bukod kasi sa matangkad ka na,mestisa ka pa(kaya nga naga2ndahan sa yo yung anak ko eh!)at isa pa kahit naman maingay ka may mga sense naman ang pinagsasabi mo!!Natatandaan ko pa nung araw,isa sya sa mga maga2ling sa klase,isa sa iginagalang sa larangan ng matematika,basta numero at problemang may kinalaman sa numero,itanong mo kay belen siguradong d ka mabi2go hehehe!!Naalala ko nung araw na sabihin kong libras yung lb.eh bigla po syang nag-react at pinaulit talag nya sa akin kung ano daw ang basa ko dun,naalala mo pa ba my ringing Bell.Wala akong maalalang pinadanas nya ako ng katarayan nya,kasi ang lagi kong naki2ta ay ang kanyang mga ngiti, n kagaya ng binabanggit ni miss grace(buhayin p b)hehehe!!
Pinakahuli ko po syang nakita pagkatapos ng graduation natin ay dun po sa Loudes Hospital nung ipinanganak ang aking pangatlo habang nasa loob ng incubator dahil kulang po sa buwan,pre-mature po kasi yung baby ko.Nagkataon po na may dinalaw siya doon at nag-ikot yata sila at nag-usyoso sa loob ng ospital,salamin kasi ang dingding nung kwarto kaya maki2ta po ang nasa loob mula sa pasilyo.Nagkataon po na nakahubad pa ako noon at nakatalikod,kaya nung humarap ako sa anak ko,at tingnan ko kung sino ang nasa labas na tumitingin sa amin,nagulat po ako na si miss Belen Bendicio pala at nagulat din sya na ako yung nasa loob ng kwartong yun at dun nya nalaman na anak ko yung nasa incubator!!
Maraming araw din ang lumipas at ang kanyang kapatid naman na si Melody n ngayon po ay Donya Melody na,hehehe!!Na kamukha din po ng kanyang ate Belen na bukas palad at handang tumulong sa kapwa.Wala na akong masabi pa sa magkapatid na ito at sa kanilang kuya Mon,puro kayo M.as in maba2it at matulungin!!hehehe!!
Ang isa ko pang d maka2limutan sa aking ringing bell ay ang kanyang sobrang pagaasikaso sa aming mag-ama nung minsang pinatulog nya kami sa kanyang cute,malinis at well organise na bahay.Lahat po ay idinulot nya sa amin,short at brief para sa akin,sapatos at blouse para sa anak ko at may pabaon pang ginatan at saka family size na close-up toothpaste,at sinabi pa nya sa akin na kung sya man ay may bar of gold ay walang pag-aalinlangang isasama pa nya sa kanyang pabaon sa amin.Sadya pong napakasarap panikin ng taong ito dahil kahit ano po ay ibi2gay nya para lamang po sa ikali2gaya ng kanyang panauhin!
Eto lamang po ang masa2bi ko sa yo my ringing bell,my lovely bell,you are the one,higit ka pa sa bara ng ginto,sa ipinakita mo sa min at sa mga ipinaki2ta mo pa.Wala kang kaparis,at d k mapa2ntayan lalo na sa paki2sama dahil di ka nami2li ng tao,walang masamang tinapay ika nga.Nagpa2salamat po ako at naging kaklase kita at nagsangang muli ang ating mga landas,lalo na sa ngayon na mababa ang aking moral,isa ka sa nagpa2lakas ng aking loob.Salamat sa Diyos at sanay dumami pa ang lahi mo,n puro maga2nda at maba2it hehehe!!Mabuhay ka po mahal kong Maria Belen Albania Bendicio-Carpio.
inaalala ko nito sa susunod kailangan ganito din kahaba para di magselos yung iba,patay na naman ako nito waaaaaaaaaaa!!hehehehe!!!


Belle replied:
sa yo pareng sape,
pag ako nasugod sa heart center e isa ka sa may kagagawan, pkiramdam ko lumulutang na sa taba ang puso ko sa mga papuring naririnig ko mula sa inyo.

marahil nauna lang po akong pinanday ng kapalaran, at natutong lumangoy sa agos ng buhay, sabi ko nga lahat tyo ay may kanya kanyang buntot na hila, ang pinaka mahalaga e ung mapatibay ka ng mga hilahil at matutunang tanggapin ang mga ito at gawing inspirasyon sa pag bangong muli . . .

dito mo makikita kung saan ka nagkulang at saan ka sumobra sa gayon malalaman mo kung saan ka magbabawas at san magdadagdag. . .

sabi nga di ibibigay sa yo kung di mo kaya, at yang sinasapit mo e isang paghahanda lng para sa isang napakagandang umaga . . .

patuloy kitang ipagdarasal at nawa'y maging madali sa yo ang lahat. kaya mo yan , kaw pa ! ! !





Mandy
Ms. belle,
Ang alam ko lang nung HS tayo ay nagkakasabay sabay tayo pauwi non sa tulay ng Calumpit mga taga Frances at taga Gatbuca ang then paglampas sa bridge magkakahiwalay tayo non.di pa tayo magkakilala non mga 1st year at 2nd year. pero sikat ka na non at pansinin kasi nga nangingibabaw yung ganda at tangkad mo.2nd year kilala na kita non pero ako yata hidi mo kilala kasi nga sa canteen na yung tambayan namin nong time na iyon.3rd year tayo non classmate nyo na si noel ( dela cruz) nagpapakumusta na ako kay gemma that time pero mahina kaya ang ginawa ko ikaw ang kina usap ko or requirement mo yata yon before ako manligaw kay gemma, mag usap muna tayo and you asked me if im serious to court her. ( correct if im wrong-sinasadya ko naman to para malaman kung okey pa memory mo...hehahaha!)

college days ang alam ko nagkikita tayo non pero batian na lang at sandaling sandali lang na kumustahan.Tuwang tuwa naman ako pag may rally na at siguradong wala ng klase at di ko alam na kasama ka pala sa mga promotor ng rally di man lang ako nakapagpasalamat. thank you very much. ( hehehehe!
Sa ngayon happy ako for you kasi nga nakatagpo ka ng husband na mabait at responsible bilang asawa at ama ng iyong mga anak.maswerte ka rin sa 2 mong anak at talented pa. Napakabait mong kaibigan, kamag anak , kababayan at palagi kang handang tumulong sa mga nangangailangan ( yung in need talaga hindi- yung kung ano ano lang ang dinadahilan makakuha lang ng pera hmmm) Hay grabe ang mga pinagdaanan mo sa buhay at buti na lang matatag ka at di sumuko sa mga pasanin mong problema. tingnan mo naman ngayon at biniyayaan ka ng magandang buhay. always trust and pray to God and everything will gonna be okay. You are a superwoman!

Belle replied
sa yo fafa mandy,
pinaghihiwa hiwalay mo man ang data sa mga pinipost mo alam mo naman na di makakalusot sa amin yan, hahaha,
sabi ko nga di ba isa ako sa mga buhay na saksi sa pakikipag digmaang rosas mo sa aking mare, sya kc ang aking sanggang dikit nung hi skul talaga, at sa library po tyo nag usap sa may hagdanan malapit sa mapanghing home economics room, hahaha. kasi cguro natatakot din ang mare ko na mapaglaruan lng kaya mega hingi ng aking "payo at tulong" , ang alam ko lng loves ka rin nya NYAHAHAHAHA. (mare kung nagbabasa ka man, wag ka sanang malaglag sa upuan mo ha?!) sagutin mo kc ung tanong ni big dick b o mama pinks na btet kyo nag break . . .
lam mo ba enjoy din ako sa rally kc nawawalan nga ng pasok HAHAHAHA.
thank you po sa mga nkakatabang pusong comment . hangad ko rin ang yong patuloy na pagtatagumpay. Godbless

No comments:

Post a Comment