Sunday, July 26, 2009

Kasaysayan ng Kahapon .... Kita Kits (July 25)

a lil background :

dumating po ang santa claus sa katauhan ni BD (big dick) noong lunes july 20, 2009... maaring iilan lamang ang tunay na nakakaalam sa kanyang pagbabalik sa pinas, nang malaman ng sangkatauhan ang kanyang pagbabalik, at naatasan yata ang magiting na si TOTOY na pwede magkitakits sa kanilang bahay sa balungao sa araw nga ng sabado (july 25)... sa mga pangsariling kadahilanan den at sa sobrang busy na den ni TOTOY, pinakiusapan nya ang printeta na magpost para sa nasabing kitakits... at ewan kung bakit naisipang imbitahan ng printeta ang kanyang sarili lamang (message no. 16288) sa e-group..so ayun at nag SPAM text na nga po aside sa post ang magiting na TOTOY re: kitakits sa sabado... WB fadick!!!

eto na

"KASAYSAYAN NG KAHAPON"

alas kwatro po ang call time sa nasabing pagtitipon ngunit alas kwatro y media na ay nsa tabang pa lang ata si totoy kasama si sape at sinabing naghihintay daw po si bethel sa may crossing ng calumpit at sinabing hanapin ku daw, ngunit saan ku man ibaling ang aking paningin ay wala ako makitang anino na pangmaliit... asa kabila pala sya bwahahaha... sa madaling salita nakarating po sila sa crossing ng calumpit ng alas singko ng hapon.. sa aming paglalakad ay nakadaupang palad namin ang mommy ni poy at kami ay nagbigay pugay, wentu unti at kami ay tumuloy na sa aming pakay.. tao pooooooo!!! ang sigaw namin at may sumagut na wala pong tao... si ms dulche po ang kapatid ng ambasador ng pinas sa japan at pabirong sinabing lumuwas na si kuya... waaaaaaaaaaaa (siguro inugat na sya sa kakahintay po sa mga panauhin)... pinapasok kami, bless muna kay mudra at wentuhan na ang nangyari habang naghahain na po...umssss, amuy karekare, my pebolit.. ayan na nga at nakahain na po karekare, pansit, hipon, tilapya, merung shanghai at ewan ku pa dahil karekare lung po ang pinagtuunan ku ng pansin... sunud sunuran na pong nagdatingan ang mga panauhin (di ku na alam sa pagkakasunod)..dumating ang lag diva kasama ang kanyang 2 anak na lovable naman talaga na may dalang biskotso daw na jusme ang mga mapanuri ay pinagpipilitang sa crossing lang ng calumpit nya binili eh ang katotohanan naman ay sa laguna (daw nya binili) ang nazarenong naka angkas sa motor ay di nakahelmet dahil aside sa papalubog na ang haring araw at walang LTO na sisita dahil araw nga ng sabado walang naghuhuli.. dumating den ang principal (ms tere).. ang el presidente, ang beaunties na si ms ei kasama ang (gustong umawet sana) kanyang hubby na si fafa vic... dumating den ang ms belle na galing ata sa hospital dahil kay mama, at ang bukod na pinagpala na si ms emma ganda kasama ang kanyang esposo na si fafa melchor.. so ayun.. pinakain muna ang mga bisita.. nagkakainan na ang lahat at bakit ayaw kumain ng isa jan na para bang alumpihit sa kanyang kinatatayuan... habang abala ang lahat, habang kumakain ang iba umaawet ang mama lag at wula naman akung patumanggang kuha ng mga larawan at pagbabantay na den sa kanyang mga junakis ( ni mama lag) na gusto atang limasin yung maliit na pond nila fafa dick... upon checking sa aking high end na selpun may missed call ko.. aba sinu natawag??? akalagay TOTOY... huh? bat me misscall sya, ey magkasama na kami.. awwwwwwwww.. asan si totoy? ask ko mama bell asan na si totoy? yan den dafat ang itatanung ku sayo sagut nya... amftsssssssssss.. gumana na po ang malilikot na pag-iisip na nagkataong tama naman pala.. inalalayan pala ang mama pagcor para sa parking lot sa may harapan ng munisipyo... weeeeeeeeesa madaling salita me quorum na po kumpleto na mga major sponsors (except mama pinky)...kantahan dito kantahan doon na po ang nagyari. lahat nagpaunlak ng awitin except mama belle na sinabing papaglabahin nyu sya maghapon at wag lang paawitin, si ms emma ay nakunteto na sa pakikinig sa kanyang esposo habang inaawit ang "i won't last a day without you", habang nakatitig sya sa kanyang napakagandang maybahay na si ms emma na natisod ko ang kanyanag napakahabang buhok, napansin naming gustong umawet ni fafa vic ngunit parang sya ay atubili (ewan namin kung bakit).... umawet ang magiting na si TOTOY na muntik ng ikaputol ng kanyang ugat... at parang lahat ng kanyang mga awit ay may pinatutungkulan...ang beaunties namang si ms ei ay wulang patumanggang sayaw ng sayaw at ng madinig ang mga nyuweyb ay amftsssssssss... humataw.. si sape naman ay umaawet den at ewan bat di sya gaanong makatayo dahil na rin siguro sa kanyang kabusugan at nagsikip ang kanyang hininga..halos nagkakayakagan ng umuwi at wula ng naririnig si mommy at bigla syang nagtanong "parang wula akong narinig na awet ni matt monroe? ayunnn me listahan pala sya at buong giting at taas noo ko naman inawet ang kanyang mga rekwes...wulang umuwing luhaan nung gabing iyon aside busog na at me amats (tama ng redwine) pag-uwi may mga bitbit na pasalubong at may mga ngiti pang nakaakibat sa kanilang mukha (weeeeeeeeeeee)kelangan kasing umuwi ng maaga yung isa jan dahil hanggang alas dose ng hatinggabi lang po ang nakalagay na ETA sa kanyang trip ticket....kung mayroon pa kayong gustong ikwento na di ku naisalang (look na lung po mga larawan) at wentu nyu na di akung anu ano pa ang nakita ng mga manunuri at ng mga malilikot ang pag iisip na den..kayo na po ang bahala..sa ating mahal na ambasador ng pinas sa japan... "dakal pung salamat ne" .. may the good Lord bless you always, kasama ka po pati ang iyong buong pamilya sa aming panalangin...

No comments:

Post a Comment