Wednesday, May 20, 2009

May 20 - On Egroup

Mega react ang sambayanan sa TOT for the day kahapon

Ang KAIBIGAN, parang tae. Mahirap tiisin. Mahirap iwasan. Hindi pwedeng pag­laruan. Hindi pwedeng tapak-tapakan.

Merong nabahuan, at merong ayaw sa humawak sa kaibigan... jan ba nasusukat ang pagiging kaibigan nyo??
Nang wulang kaginsa ginsay, naipasok na naman ang nalalapit na pag-uwi ng ating mahal na SANTA, at nagkagulo na nga ang madlang people, merung gusto sumama sa pagsundo sa printepe at di pa daw sya kakasundo sa jerport, merung naghabilin ng size 10 na di naman kasya sa kanya... at kung anu anu pang pumasok sa kaisipan nila ang gagawin sa naturang okasyon, may nag suggest na mag pizza (lahat ng masasarap na brand ng pizza ey binanggit) at pati masasarap na inuman ng kape... pero ang ating magiting na moderator ay stick to 3 in 1 pa rin sya at ang mama belle ang bahala sa disposables. .. sa dami ng napag-usapan pati yung panahon pa ng gyera ey inuungkat ni printeta sinagut ku naman na sa isang pagtitipon na lungs po wento)... ayun nga ang nangyari dahil sa kaguluhan at patung patong na pag-uusap mula sa sasakyan at sinu ang susundo, mukhang pinostpone po ng uuwi ang kanyang balak or tektek na lungs daw po sya pag asa pinas na sya
tahimik ang hapon dahil walang power sa san fernando, ng walang kaabog-abog ay nagpost ang ating butihing lag diva at sya nga ay nag-iimbita sa kanilang farm sa gugo at sinegundahan naman ng magiting na moderator at sinabing magpaalam na ang dafat magpaalam sa kani kanilang kabiyak... sowsssssss, mega react naman po ang mga matatapang at nagkantywan pa sila kung lifted na ang kanilang temporary restraining order na bawal ang lalabas sa 50 kilometer radius ng kanilang bahay... jowskoooooooo! !!
pero ang pinakatampok ay ang pagbabalik tamabalan ni bobot at ni ate vi, (na hinihintay pa nya ng paggising ng isa jowsko ang lagkit!!!) sa kanilang pagbabatuhan ng mga talata ay parang bumabatingaw ang awiting "my pledge of love cannot be broken", merong kinilabutan at mas marami naman ang kinilig dahil may followers pa naman ang kanilang tambalan... merun pang nagtektek kung pede magawan ng indie film or any presentation ang naturang tambalan...
madami ang naglitawan, pati si sape na walang malay ay biglang nagpost ng wula sa panahon... wula sa panahon dahil mag aalas dos na ata ng madaling araw yung kanyang mga posts (na sa palagay ko ay yung mga ibayong dagat lungs ang gising) or nun pa lang nya natatapos basahin ang sa kanyang inbox? pati naman kasi activities sa friendster ey, ina update sya... sowssssss
nagparamdam den ang mahal na el presidente na sinabing reading mode lungs at kababalik lung po mula sa company outing.. maligayang pagbabalik mahal na el presidente ipinaalam den ni ms belle sa kalahatan ang pagkamatay ng ama ng ating si jessie cabug.. nakikiramay po ang lahat sa yo jessie
after ng pakikiramay ay kinilig na naman si ms belle at sya ay inspiradong isinalin sa ating wika ang awiting " somewhere down the road" napansin pala nya ang bagong banner sa katauhan ni bobot at ate vi, na merung kaakibat na kaunting kasaysayan.. . nagaparamdam den si ms. d at bigla den syang nawala...
mukhang busy busyhan ang lahat dahil madalang pa sa ihi ng bata ang patak ng mga mensahe sa kaorasang ito, o di pa lang gising ang mga nasa gitnang silangan? ang printeta ay parang uhog na pasulpot sulpot den..
nga pala ang tots for today naman ay mas binigyan pa nila ng pansin ang yakult?? kesa sa mga ibang katanungan na nauugnay naman sa ngalan ng pag-ibig... yan po ang mga huling kaganapan sa oras na ito, at sanay di sya nakapagpagulo lalo sa inyung buhay...magandang hapon po sa lahat, at sleep tight sa mga tulog..
by PJ

No comments:

Post a Comment