Thursday, June 19, 2008

Linggo ng wika sa buwan ni Rizal

Kung minsan talaga ang buhay ibabalik tayo where we belong
Kahit pa matagal na nawala ang ating communication
Tulad ng isang tuba na sa pag imbak ng matagal na panahon
Pinagtibay at pinasarap lamang ang ating samahan ngayon

Posted June 17 by printepe


Ito nga marahil ang sa atin ay naitakda
At dahil na rin sa umpisa ay mayroong nagtyaga
Na muling pag ugnayin ang naputol na kabanata
At umaasa akong dadalin natin hangang pagtanda


Reply to PJ June 17 by printepe

Kung ikaw ay inspired madaling gawin ang isang bagay
Ang sariling puso mo din ang magbibigay gabay
Kahit sa mga chicks mo ay pwede mo i - apply
Garantisadong ikaw ay hindi sasablay.....


Reply to Boyet June 17 by printepe


Boyet,

Mga bahagi na lang po iyon ng aking nakaraan
At habang buhay hindi ko iyon pagsisisihan
At natutuwa naman ako na kami'y magkaibigan
Kahit bihira kung kami'y magkita lamang.

Kambal Jeannie,

kapag ikay nag online i buzz mo din ako
Kwentuhan mo ako ng mga bago sayo
Nakaraang reunion ako'y pinagtaguan mo
Kaya tulo'y di ako updated sayo.


MJ.....

Kumusta naman ang iyong birthday
Alam ko namimiss mo si Mac at PJ
Bawal ang homesick while you are away
And enjoy your day come what may....

Reply to Boyet Jeannie and MJ June 17 by printepe



wow sa effort aking mga katoto
katagang ginamit tunay na totoo
nagkakalapit mga nagkakalayo
naiibsan mga siphayo ng puso

tunay kayong dakila sa aming panananaw
binibigyang kahulugan ang nasa balintataw
sa mga kapanalig na gustong humataw
ihayag ilahad ang minumutyang sigaw

Reply by Mama Belle 6/17


Dick, sa yo kami'y saludo
Sa samu't saring kwento
Sana'y sa pag-uwi mo dito
Mabusog mo naman kami ng todo.

Pinks, kaw nga ay tanging-ina
Di lamang sa yong mga dinala
Kundi pati sami'y kaw ang Mama
Sana'y pagpalain lagi ni Ama.

PJ, bilib kami sa yong ulo...
Sing ningning walang sisino
Iyong mga plano...
Siguradong aprobado.

Sape, isa ka pang Naytay
Pero sa klase laging naka alalay
Lalo na't kung may handaan
Kaw ay tunay na maasahan.

Nie, wala akong masabi,
Sana'y di ka na laging busy
Para mag post parati
Nang hindi lang laging nakangisi.

Irene, kelan ka ba magdadala
Ng halayang ubeng laging alala
Mula nuon pang araw yan ..Sana me inaasahan pa.
Wag kang mag alala..isosoli ko llanera.

Aida DC, marami daw syang nunal
Kaya sa mga lakad sya ay natural.
Sana naman ay masundan...
Mga kainang pupuntahan.

Mel, kahit si Shrek napa-ibig
Pano ba sila di mahihilig
E, puso't kaluluwa nya ay busilak
Ewan ko lang kung swak sa pag-indak.

Boyet, katawan man ay malayo
Isip at puso di na lalayo
Pag ala-ala sa mga katoto
Wala na sigurong tatalo.

Leni, di ko alam kung kanta o tula ang aking ileletra
Tahimik na lang ako muna ng wala ng intriga.
Dati nagsabi lang nga "ingats".
E lahat na naungkats.

Bel, my bel, para kang kalembang
Ibig kong sabihin di lang sa beywang
Pag sya ang yong naulinigan...
Alam mong meron ka ng kaibigan.

Day, diwata di lang ng kagubatan
Nasisilayan na ng mga Canadian
Langya naman bakit kami iniwan
Wala na ngayon kaming ka-kantahan.

Jean-Jeannie, kambal na pinagpala
Magagandang anak ang gantimpala
Ninong palang kayo na ay hahanga
Syempre ako yon , di nga?....

Kity, ang puso koy nagpupuri
Dadami na ang yong ka-uri
Sana nga po ay maayus ang paglilihi
Baka kasi si Norman ay di mapakali.


Big Mac Post June 17




Ngayon akin ng napagtanto
Iisa lang ang ating ninuno
Kung tayo pala ay magseseryoso
Balagtasan makakalikha tayo.

Wala sa aking hinagap na maraming makata
Mama Belle at Big Mac ako ay namangha
Papa PJ ang mga sipi ay pwedeng ilathala
Kahit sa Youtube sabi ng mga may akda.


Reply to Big Mac and Mama Belle 6/17 by printepe




Naku, nakakahiya naman, dinaan mo pa sa tula
Ang pagpapaalala sa utang kong ubeng halaya
Hayaan mo「t pasasaan ba
Di maglalalaon maipaghahanda rin kita.

Sa ngayon ipagpaumanhin muna
Sa mga anak at sa gawain sadyang ngarag pa!
Pangako, sa susunod na pagtitipon
Basta may panahon, ang halaya「y akin nang ibabaon

Wish ko lang na sana maalala ko pa
Ang mga sangkap at kung paano magtimpla
Kung hindi man ay ibibili na lang kita
Kahit di mo na ibalik kasamang llanera

Irene’s reply June 19



Maning hanep naman ng iyong balitaktakan
Saludo talaga ako sa iyong kahusayan
Di lang sa lakaran ikaw maaasahan
Pati n sa pagbubuklod sa ating samahan.....


Aida DC’d reply June 18




Napakahirap naman po ng iyong katanungan
Ngunit marahil ngayon alam mo na ang kasagutan.
Ang compilation po inaayos sa kasalukuyan
Ang unang sipi ikaw ang unang pag bebentahan....

Reply to printeta June 18 by printepe


Valentines day ay di kailangang hintayin

Upang ilahad ang ating tunay na damdamin

Sariling wika ay kay sarap ding gamitin

Kahit Linggo ng Wika ay malayo pa rin....

Reply to PJ june 18b by printepe

No comments:

Post a Comment